Электронная библиотека » Морган Райс » » онлайн чтение - страница 6

Текст книги "Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani "


  • Текст добавлен: 9 сентября 2019, 11:42


Автор книги: Морган Райс


Жанр: Зарубежное фэнтези, Зарубежная литература


Возрастные ограничения: +16

сообщить о неприемлемом содержимом

Текущая страница: 6 (всего у книги 17 страниц) [доступный отрывок для чтения: 6 страниц]

Шрифт:
- 100% +

IKAWALONG KABANATA

Sinubukan ni Thor na makasabay sa unang kinatawan ni Erec habang binagbagtas ang daan sa gitna ng mga tao. Hanggang ngayon ay pinipilit pa din na Thor na maniwala na totoo ang mga nangyayari sa kanya kaya hindi pa din siya sigurado sa kanyang ginagawa. Nanginginig pa din siya, hindi makapaniwala na miyembro na siya ng Legion at ngayo'y kinakatawan ni Erec.

"Bata! Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay bilisan mo!" Sigaw ni Feithgold

Hindi gusto ni Thor na tawaging bata gayong ang unang kinatawan ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. Mabilis na naglalakad si Feithgold na animoy sinasadya na hindi makasunod si Thor.

"Palagi bang madaming tao rito?" Tanong ni Thor habang humahabol kay Feithgold

"Siyempre hindi!" Sigaw ni Feithgold. "Ang araw na ito ay hindi lamang ang summer solstice, ang pinakamahabang araw sa buong taon. Ito rin ay araw ng kasal ng panganay na anak ng hari-ang unang araw sa ating kasaysayan na bubuksan ang kaharian para sa mga McClouds. Ngayon lamang nagkaroon ng ganito kadaming tao dito. Hindi ko rin ito inasahan. At ngayon ay mahuhuli na tayo." Sabi ni Feithgold na lalong nagmadali sa gitna ng mga tao.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Thor

"Gagawin natin ang dapat ginagawa ng isang kinatawan, ang tulungan ang ating mandirigma sa paghahanda."

"Paghahanda para saan?" Pagdidiin ni Thor sa kabila ng pagod. Pinunasan ni Thor ang pawis sa noo nito.

"Sa paligsahan"

Sa wakas ay narating na nila ang dulo ng mga tao at sa'y huminto sa mga kawal sa harapan na nakilala kaagad si Feithgold at agad silang pinadaan.

Nilampasan nila ang lubid na pumipigil sa mga tao na makapasok. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nakita. Doon sa harap niya ay isang tunay na lugar kung saan nagpapaligasahan ang mga mandirigma. Sa gitna ay makikita ang pinakamalaking mga kabayo na nakita ni Thor sa buong buhay nito na sinasakyan ng mga mandirigma na nakasuot ng mga sandata at armas. Kasama ng mga Silver ang mga naghalo halong mga mandirigma galing sa magkabilang kaharian, sa bawat probinsya, na nakasuot ng itim na pandigma., ang iba ay puti na may hawak na mga sandata na iba iba ang laki at hugis. Animoy ang buong mundo ang umusbong sa lugar na ito.

May mga kasalukuyang kompetisyon na ang nagaganap, sa pagitan ng mga mandirigma na nagmula sa lugar na hindi nakikilala ni Thor. Nagpapalitan ng mga tama ng sandata at sanggalang habang nagpapalakpakan ang mga manunuod. Sa malapitan, namangha si Thor sa lakas at bilis ng mga kabayo at sa tunog na ginagawa ng mga naglalaban na mga armas. Isang nakamamatay na obra.

"Hindi ito ordinaryong paligsahan." Sabi ni Thor habang sinusundan si Feithgold sa paglalakad sa gilid ng labanan.

"Hindi nga." Sagot ni Feithgold kasabay ng tunog ng kalampang. "Isa itong seryosong pakikipaglaban na pinagmumukha nilang isang paligsahan. May mga taong namamatay dito, araw araw. Ito ay isang laban. Maswerte na ang mga taong nakakalabas dito ng buhay. At kakaunti lamang sila.."

Lumingon si Thor at nakita ang dalawang mandirigma na nagsasalpukan sa bilis. Ang isa ay tumilapon sa kanyang kabayo at bumagsak sa kanyang likod sa di kalayuan kay Thor.

Nagulat ang mga manunuod. Hindi makagalaw ang mandirigma at nakita ni Thor na isang sibat na yari sa sibat ang nakatusok sa dibdib nito. Sumigaw ito sa sobrang sakit at lumabas ang dugo mula sa bibig nito. Ilang mga kinatawan ang lumapit at tumulong sa sugatang mandirigma upang makalabas. Umikot naman sa harap ng madaming manunuod ang nanalong mandirigma habang itinataas nag kanyang sandata.

Namangha si Thor. Hindi niay akalain na nakamamatay pala ang paligsahan na ito.

"Kung anong ginawa ng mga kinatawan na iyon ay ganoon din ang iyong magiging trabaho." Paliwanag ni Feithgold. "Isa ka na ngayong kinatawan. Pangalawang kinatawan."

Tumigil ito at lumapit kay Thor, na sa sobrang lapit na naamoy niya ang mabahong hininga ni Feithgold.

"At huwag mong kakalimutan. Ako ang tagasunod ni Erec at ikaw ang aking tagasunod. Ang iyong trabaho ay ang alalayan ako. Naiintindihan mo?"

Tumango lang si Thor habang tinatandaan ang mga sinabi nito. Iba iba ang naiisil ni Thor ngunit hindi pa din niya alam kung ano ang naghihintay para sa kanya. Nararamdaman no Thor ang takot na nararamdaman para sa kanya ni Feithgold at pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng kaaway.

"Hindi ko intensyon na hadlangan ka sa pagiging kinatawan ni Erec." Sabi ni Thor

Biglaang tumawa si Feithgold sa narinig

"Hindi mo ako kayang hadlangan bata, kahit subukan mo. Kaya umalis ka na lamang sa mga plano ko at sundin ang mga sasabihin ko."

At biglang muling nagmadaling umalis si Feithgold. Sinubukang makasunod muli ni Thor hanggang sa makarating sila sa kwadra. Dumaan siya sa isang makitid na daanan, napalilibutan ng mga kabayong pandigma na binabantayan ng mga kinakabahan na mga kinatawan. Lumiko si Feithgold at biglaang huminto sa tapat ng isang napakalakia at nakakamamanghang kabayo. Kailangan ni Thor na habulin ang kanyang paghinga. Hindi siya makapaniwala na ang isang maganda at malaki na tulad nito ay totoo. Mukha itong handa na sa pakikidigma.

"Si Warkfin," ang sabi ni Feithgold, "ang kabayo ni Erec. Isa sa kanyang mga kabayo, ang gusto niyang gamitin sa mga digmaan. Hindi madaling amuuin, ngunit nagawa ni Erec. Buksan mo ang kwadra nito." Utos ni Feithgold

Tumingin si Thor sa kanya, nalilito sa kanyang gagawin at saka lumingon sa kwadra. Humakbang ito at sinubukang alisin ang kandado. Walang nangyari. Binigyan niya ito ng malakas na pwersa hanggang sa tuluyang mabuksan ang pintuan ng kwadra.

Pagkaalis na pagkaalis ng kandado ay sinipa ni Warkfin ang pintuan at naipit ang kamay ni Thor. Napaurong si Thor sa sakit.

Tumawa lamang si Feithgold.

"Kaya ikaw ang pinabukas ko ng pintuan. Gawin mo ito ng mabilis sa susunod bata. Walang hinihintay si Erec, lalo na ikaw."

Nakaramdam ng inis si Thor. Hindi na nito maisip kung paano pakikisamahan si Feithgold.

Muli niyang binuksan ang pintuan ng mabilis pero sa oras na ito ay iniwasan niya kaagad ang mga paa ng kabayo.

"Ilalabas ko ba siya?" Tanong ni Thor sa kabila ng walang tigil na paggalaw ng kabayo.

"Siyempre hindi." Ang sabi ni Feithgold. "Ako ang gagawa noon. Ang gagawin mo ay pakainin siya kapag sinabi ko. At ang linisin ang kanyang dumi. "

Kinuha ni Feithgold ang tali ni Warkfin at saka inilabas ng kwadra. Napalunok lamang si Thor habang pinagmamasdan ito. Hindi ito ang simula na kanyang naiisip. Kailangan niyang magsimula sa umpisa ngunit pangmamata ang ginagawa sa kanya. Inilarawan niya sa kanyang isip ang mga digmaan at pagsasanay kasama ang mga kalalakihan na kasing edad niya. Hindi niya ginusto na maging alila at maghintay. Nagsisimula na siyang magisip kung tama ba ang kanyang naging desisyon.

Tuluyan na nilang nilisan ang kwadra para maganda at maliwanag na araw na ito pabalik sa lugar ng paligsahan. Naninibago pa din si Thor sa kanyang nakikita at namangha sa libo libong mga tao na nagsisigawan at nagpapalakpakan sa mga naglalaban na mandirigma. Ngayon lamang din siya nakarinig ng kalampagan ng mga metal at makaramdama ng panginginig ng lupa dahil sa mabilis na pagtakbo ng mga kabayo.

Ang paligid ang napupuno din ng mga mandirigma at ang kanilang mga kinatawan na naghahanda para sa laban. Ang mga kinatawan ang nililinis at nilalagyan ng grasa ang lahat ng mga sandata na gagamitin habang hinihintay na matawag ang pangalan ng kanolang mandirigma.

"Elmalkin!" Sigaw ng tagapaganunsyo.

Isang mandirigma na nagmula sa probinsya na hindi nalalaman ni Thor, isang makisig na nakasuot ng pulang armas, ang pumasok mula sa lagusan. Agad umalis si Thor sa daanan. Agad na pumwesto ang mandirigma sa gitna. Nagsimula ang labanan at agad napabagsak ng kalaban si Elmalkin. Naghiyawan ang mga tao.

Agad tumindig si Elmalkin ang iniabot ang kanyang kamay sa kanyang kinatawan na katabi lamang ni Thor.

"Ang aking martilyo." Sigaw ng mandirigma.

Agad kumilos ang kinatawan at kinuha ang martilyo kasama ng iba pang mga sandata at iniabot sa mandirgma. Lumapit ang kinatawan kay Elmalkin ngunit naghahanda ng umatake ang kabilang panig. Bago pa man makalapit ang kinatawan ay sinugod sila ng kalaban. Hindi agad nakarating nag kinatawan kay Elmalkin. Ibinaba ng kalaban nag kanyang sandata at kanyang natamaan ang kinatawan ni Elmalkin sa ulo. Agad itong bumagsak sa lupa.

Hindi na kumikilos ang kinatawan. Nakita ni Thor ang dugo na dumadaloy mula sa ulo nito at minamantsahan ang buhangin.

Napalunok si Thor.

"Hindi kaaya ayang tingnan, hindi ba?"

Lumingon si Thor at nakita si Feithgold na nakatindig sa tabi nito.

"Gumising ka bata. Nasa digmaan tayo. At nasa gitna tayo nito. "

Bumalot ang katahimikan sa mga manunuod ng binuksan ang buong lugar paligsahan. Ramdam ni Thor ang pananabik mula sa mga manunuod. Tumigil ang lahat para dito. Sa kabilang dulo ay pumasok si Kendrick, naglalakad kasabay ang kanyang kabayo.

Sa kabilang banda naman ay dumating ang isang mandirgma na nakasuot ng armas n amay simbolo ng mga McClouds.

"McGils laban sa mga McClouds," bulong ni Feithgold. "Mortal na kaaway natin ang mga McClouds sa loob ng ilang libong taon, kaya hindi ang laban na ito ang tatapos dito."

Naghanda ang bawat mandirigma at sa tunog ng kalembang, nagsimula ang laban.

Namangha si Thor sa bilis ng mga pangyayari. Isang malakas na tunog ng mga sandata ang knayang narinig sa pagsasalpukan ng dalawang mandirigma. Tinakpan ni Thor sa kanyang tenga sa sobrang lakas nito. Nagulat ang mga tao ng parehong mandirigma ay bumagsak sa kanilang mga kabayo.

Agad silang tumayo habang nagsipaglpaitan ang kanilang mga kinatawan upang iabot nag mga espada. Nagpalitang ng mga tira ang dalawa. Namangha si Thor sa bawat hampas at wagayway ng espada ni Kendrick. Ngunit mahusay din ang mandirigma mula sa mga McClouds. Hindi sumusuko ang bawat panig.

Sa wakas ay nagtama ng malakas ang kanilang mga espada na nagpabagsak sa mga sandata ng bawat isa. Habang kinukuha ni Kendrick ang kanyang armas ay biglaang lumapit ang kinatawan ng kanyang kalaban at tinira siya sa kanyang likod na bahagi na nagpabagsak kay Kendrick. Nagulat ang mga tao.

Kinuha ng mandirigma ng McCloud ang kanyang espada at itinapat sa leeg ng ni Kendrick. Wala ng magagawa si Kendrick.

"Sumusuko na ako." Sigaw nito

Isang malakas na hiyawan ang nagmula sa panig ng mga McClouds.

"Mandaraya." Sigaw naman ng mga MacGils

"Mandaraya! Mandaraya!" Sigaw ng mga manunuod

Galit na galit ang mga manunuod at nagsimula ang protesta ng pandaraya. Nagsimula ding mahati ang dalawang panig-ang mga MacGil at McClouds.

"Hindi ito maganda."ang sambit ni Feithgol habang pinanunuod ang mga nangyayari.

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula ang bunuan. Isang malaking kaguluhan. Lahat ng kalalakihan ay nagsusuntukan, nagtutukan at nagsasakitan. Padami ng padami ang sumali sa kaguluhan at maari na itong humantong sa isang digmaan.

Isang malakas na tunog ang pinakawala ng mga kawal ng bawat panig. Bahagyang kimalma ang mga tao. Isa muling tunog ang pinakawala at tumahimik ang paligid sa pagdating ni Haring MacGil.

"Walang hindi makabuhang away ang mangyayari sa araw na ito!" Sigaw ng hari. "Hindi sa araw na ito ng pagdiriwang. At lalong hindi sa loob ng aking kaharian."

Unti unti ay tumahimik at kumalma ang taong bayan.

"Kung laban ang nais ninyo sa pagitan ng dalawang angkan, pagdedesisyonan ito ng iisang mandirigma. Iisang kampeon, mula sa bawat panig."

Lumingon si MacGil kay Haring McCloud na kasalukuyang nakaupo sa kabilang dulo ng entablado.

"Pumapayag ka ba?" Sigaw ni MacGil

Dahan dahang tumidig si MacCloud mula sa pagkakaupo.

"Pumapayag ako." Ang kanyang sagot

Nagpalakpakan ang bawat panig mula sa mga manunuod.

"Pumili ka ng iyong pinakamagaling na tauhan" sigaw ni MacGil

"Napili ko na. " sagot ni McCloud

Biglang lumabas mula sa panig ng mga McCloud ang isang makisig na mandirigma, ang pinakamalaking lalaki na nakita ni Thor aa buong buhay niya, na nakasakay sa kanyang kabayo. Para siyang isang napakalaking bato, malaki ang pangangatawan na may mahabang balbas.

Nakaramdam ng galaw sa kanyang likuran si Thor. Paglingon nito ay kanyang nakita si Erec na nakasakay kay Warkfin. Napalunok si Thor habang lumalapit paharap si Erec. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang natutunghayan. Malaki ang kanyang paniniwala kay Erec.

Nang biglaan siyang tamaan ng kaba ng kanyang mapagtanto na siya ay may nakaatang na trabaho. Isa siyang kinatawan at ang kanyang mandirigma ay makikipaglaban.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Thor kay Feithgold

"Tumayo ka lamang diyan at makinig sa mga sasabihin ko." Utos bi Feithgold

Lumapit papunta sa gitna ang dalawang mandirigma, magkaharap sa isat isa, pumapadyak ang mga kabayo sa lupa. Bumilisnang kabog ng dibdib ni Thor habang kanyang hinihintay ang mga mangyayari.

Isang tunog ang pinakawala at nagsimulang sumugod ang dalawa.

Namangha si Thor sa bilis at galaw ni Warkfin-parang pinanunuod ang isang isda na tumatalon sa tubig. Malaki ang katawan ng isang mandirigma ngunit mabilis gumalaw si Erec. Hinahati niya ang hangin, mababa ang kanyang ulo at nangingintab sa sobrang linis at kinang ng kanyang mga armas.

Sa pagtagpo ng dalawang mandirigma, inilabas ni Erec ang kanyang sandata at itinapat sa tagiliran ng kalaban. Nagawa nitong pabagsakin ang sanggalang ng kalaban habang sinasalag ang tira sa kanya.

Napaurong ang malaking mandirigma.

Naghiyawan ang mga manunuod mula sa mga MacGil habang pinapanuod si Erec sa bawat pagikot at pagpihit nito. Itinaas ni Erec ang kanyang maskara at itinapat ang sandata sa leeg ng kalaban.

"Sumuko ka na. ",sigaw ni Erec

Dumura ang kabilang mandirgma.

"Hindi!"

Inabot ng mandirigma ang isang lalagyan sa kanyang baywang, kumuha ng buhangin at bago pa an makakilos si Erec ay inihagis na ito sa kanyang mukha.

Ang nabiglang si Erec ay napahawak sa kanyang mga mata at nalaglag mula sa kanyang kabayo.

Nagkarron ng komosyon at pagiyak mula sa mga manunuod sa pagbagsak ni Erec. Ang kalaban nito ay walang sinayang na oras at agad itinuon ang kanyang tuhod sa dibdib ni Erec.

Gumulong si Erec habang kumuha ng malaking bato ang kalaban upang ipukpok sa ulo nito.

"Hindi!" Sigaw ni Thor habang humahakbang pauna. Hindi niya makontrol ang sarili.

Takot na takot na pinapanuod ni Thor ang pagtaas ng bato. Sa huling segundo ay nagawa pa ni Erec na makaiwas kaya bumagsak ang bato sa lupa.

Namangha muli si Thor sa bilis ni Erec. Agad itong nakatayo at hinarap ang mandarayang kalaban na nito.

"Espada!" Sigaw ng hari

Agad tiningnan ng mga naanlaking mata ni Feithgold si Thor habang sumisigaw.

"Iabot mo sa akin ang espada!"

Agad nataranta si Thor. Umikot siya at mabilis na hinanap nag espada ni Erec. Litong lito si Thor sa dami ng mga sandata na nakalatag. Kinuha niya ang espada at agad iniabot kay Feithgold.

"Bobo! Isang maliit na espada lamang." Sigaw ni Feithgold

Natuyo nag lalamuna ni Thor; pakiramdam niya ay nakatitig ang lahat sa kanya. Nanlabo ang kanyang paningin dahil sa kanyang taranta, hindi alam kung anong espada ang dapat kunin. Hindi siya makapagisip ng ayos.

Lumapit si Feithgold, itinulak si Thor at kinuha at tamang espada. At agad itinakbo kay Erec.

Pinanuod lamang ito ni Thor. Pakiramdam niya ay wala siyang silbi. Kanya ring iniisip ang mangyayatri kung siya ang dapat tumakbo sa gitna at biglang manlabot ang kanyang tuhod.

Naunang maiabot ng kinatawan ang espada ng kalaban kaya napatalon sa pagilag si Erec sa unang tira ng kalaban. Muntikan na itong tumama. Sa wakas ay nakarating si Feithgold at iniabot ang espada sa kanang kamay nito. Ngunit bigla muling umatake ang kalaban. Sa kabilang banda, mas matalino si Erec. Naghintay siya hanggang sa pinakahuling segundo bago ito tumalon at umiwas.

Mabilis kumilos ang kalaban ngunit sa pagkakataon na ito ay pumunta siya sa direksyon ni Feithgold, na nakatayo sa lugar kung saan huking nanggaking si Erec. Sa sobrang galit ng kalaban sa pagiwas ni Erec, umatake itong muli at dinampot si Feithgold gamit ang kanyang dalawang kamay at inumpog gamit ang ulo si Feithgold sa ilong nito. Bigla itong bumagsak sa lupa.

Mayroong tunog ng nasirang buto habang dumadaloy ang dugo mula sa ilong ni Feithgold.

Nakatindig lamang si Thor at napanganga. Hindi siya makapaniwala. Maging ang mga manunuod na patuloy sa pagprotesta.

Iwinagayway ni Erec ang espada ngunit hindi nito natamaan ang kalaban hanggang sa muli silang magkaharap. Mukha sa mukha.

Napagtanto ni Thor na siya na lamang ang kinatawan ni Erec. Napalunok ito bigla. Ano dapat ang kanyang gawin? Hindi pa siya handa para dito. At nanunuod ang buong kaharian.

Patuloy na naglaban ang dalawang mandirgma. Malinaw na mas malakas ang mandirgma na nagmula sa mga McClouds ngunit mas magaling at mas mabilis na di hamak si Erec. Wala ang sino man ang lumalamang.

Sa wakas ay biglang tumindig si Haring MacGil.

"Mahabang sibat!",sigaw nito

Tumigil ang paghinga ni Thor. Alam niyang ito ay nangangahulugan na siya ang may responsibilidad ngayon.

Agad itong kumilos at kinuha ang sandata na sa tingin nito ay ang pinaka wasto. Habang kinukuha niya ito ay nagdadasal din siya na sana'y tama ang kanyang napili.

Nagsimula siyang tumakbo papunta sa gitna habang libo libong mga mata ang nakatingin sa kanya. Tumakbo siya ng tumakbo upang agad makarating kay Erec. Iniabot niya ang sibat kay Erec at nakampante si Thor na naunahan niya ang kabilang panig.

Kinuha agad ni Erec ang sibat at naghandang umatake. Dahil isa siyang magiting na mandirigma, hinintay muna niya ang kalaban na makuha ang kanyang sandata. Agad bumalik sa kanyang posisyon si Thor sa takot na matulad kay Feithgold. Sa kanyang pagbalik ay kanyang binuhat ang walang malay na katawan ni Feithgold.

Sa panunuod ni Thor, napansin niya na may mali. Itinaas ng kalaban ang kanyang sibat at nagsimulang ibaba ito sa kakaibang paraan. Biglaang nakaramdam si Thor ng kakaibang konsentrasyon na ngayon lamang nangyari. Naramdaman niya agad na may mali sa labang ito. Tinitigan ni Thor ang ulo ng sibat ng kalaban at agad niyang napansin na hindi ito nakatali ng ayos. Gagamitin ng kalaban ang dulo ng kanyang sibat bilang isang sandata na kanyang ihahagis kay Erec.

Sa isang hampas ng kalaban, agad kumalas ang ulo ng sibat at lumipad sa hangin patungo sa puso ni Erec. Sa ilang segundo ay mamamatay si Erec dahil wala itong sapat na oras upang makaiwas. Sa itsura ng patalim nito ay makakaya nitong tumusok sa metal na kasuotang ni Erec.

Sa oras na iyon, nakaramdam ng init ng katawan si Thor. Nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon tulad ng kanyang naramdaman noong siya ay nakikipaglaban sa isang Sybold sa loob ng madilim na kagubatan. Bumagal ang kanyang paligid. Nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya, init na bumabalot sa kanya– isang pakiramdam na hindi niya alam kung saan nagmumula.

Humakbang siya pauna. Sa kanyang isip, gusto niyang pigilan ang mga mangyayari. Hindi niya kayang makitang masaktan si Erec. Lalo na kung sa ganitong paraan.

"Hindi." Sigaw ni Thor

Humakbang ito muli at itinapat ang kanyang palad sa patalim ng kalaban.

Bigla itong tumigil sa hangin, ilang segundo bago ito tumama sa puso ni Erec.

At agad itong bumagsak sa lupa.

Lumingon ang dalawang mandirigma kay Thor, ganoon din ang dalawang hari at ang libo libong mga manunuod. Naramdaman niya ang pagtitig ng buong mundo sa kanya at saka lamang niya napagtanto na nasaksihan ng lahat ang kanyang ginawa. Alam na nilang lahat na hindi siya pangkaraniwan, na nagtataglay siya ng isang klase ng kapangyarihan, na may impluwensya siya sa laban na ito at kanyang iniligtas ang buhay ni Erec. Binago niya ang kapalaran ng kaharian na ito.

Nanatiling nakatitig si Thor at patuloy na nagiisip tungkol sa mga nangyayari.

Higit na siyang sigurado na siya ay naiiba sa lahat ng mga taong iyon.

Pero sino ba siya talaga?

IKASIYAM NA KABANATA

Natagpuan ni Thor ang kanyang sarili na papalabas sa gitna ng mga tao kasama ni Reece, ang bunsong anak ng hari at ang kanyang bagong kapareha. Nang matapos ang laban sa pagitan ni Erec ng isang mandirgma galing sa mga McClouds, naging malabo na ang lahat. Kung ano man ang kanyang ginawa, kung anong klase ng kapangyarihan ang ginamit niya upang pigilan ang patalim na patayin si Erec, nakuha nito ang atensyon ng buong kaharian. Itinigil ang laban pagkatapos ng nangyari. Ipinatigil ng dalawang hari. Huminto ang bawat mandirigma ng magkabilang panig na naging dahilan ng pagkagalit ng mga manunuod at agad kinuha ni Reece palabas si Thor.

Pinagkaguluhan siya ng mga tao habang sinusubukang makaalis kasama si Reece. Nanginginig pa din si Thor sa mga pangyayari. Hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang ginawa, kung paano niya napagalaw ang isang bagay. Hindi niya gustong makilala. Gusto lamang niyang mapabilang sa Legion. Hindi niya ginusto na maging sentro ng atensyon.

Ang mas masama pa dito ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin. Kung paparusahan ba siya dahil sa kanyang pakikialam. Oo at iniligtas niya ang buhay ni Erec, ngunit nakialam siya sa isang laban ng mga mandirgma na mahigpit na ipinagbabawal sa mga kinatawan. Hindi niya alam kung siya ay paparangalan o paparusahan.

"Paano ko iyon nagawa?" Tanong ni Reece sa kanilang paglalakad. Sinubukang iproseso ni Thor ang mga nangyayari. Sa kanilang pagdaan, tinititigan siya ng mga tao na animoy isang hung hang.

"Hindi ko alam. "Sagot ni Thor. "Gusto ko lamang siyang tulungan at,,, nangyari iyon"

Napailing lamang si Reece.

"Iniligtas mo ang buhay ni Erec. Naiintindihan mo ba? Si Erec ang pinakamagaling na mandirigma sa kaharian at iniligtas mo siya."

Nakaramdam ng galak si Thor sa mga nasabi ni Reece. Nakampante rin siya. Gusto na niya si Reece bilang isang tao noong una pa lamang silang magkakilala; nakakaaan siya ng pakiramdam. Alam niya ang lahat ng dapat sabihin. Dahil dito ay kanyang naisip na marahil hindi siya parurusahan. Marahil ay nakikita siya ng lahat bilang isang bayani.

"Wala akong sinubukang gawin." Paliwanag ni Thor. "Gusto ko lamang siyang mabuhay. Natural lamang iyon. Hindi iyon mahalaga."

"Hindi mahalaga?" Paguulit ni Reece. "Hindi ko magagawa ang ginawa mo. O nang kung sino man."

Sa kanilang paglalakad ay natanaw ni Thor ang kastilyo ng hari, papalapit sa langit sa taas nito. Parang isang monumento. Nakahilera ang mga tagabantay habang madaming taumbayan ang naghihintay sa labas. Agad nilang pinadaan sina Thor at Reece.

Sa pagpasok ng dalawa, sinabayan din sila ng dalawa pang kawal hanggang makarating sa mataas na pintuan ng kastilyo. Apat na kawal ang nagbukas nito. Hindi makapaniwala si Thor sa trato na kanyang natatanggap. Pakiramdam niya ay isang miyembro na siya ng pamilya ng hari.

Namangha si Thor sa kanyang nakita pagbukas ng pintuan: sa loob ay nagtataasang mga kisame, mga pader na yari sa bato at naglalakihan na mga silid. Naroroon ang mga miyembro ng royal court , at nagkakagulo sa mga nangyayari. Nararamdaman ni Thor ang pananabik sa hangin at lahat ng mga mata ay bumaling sa kanya. Hindi pa din siya makapaniwala sa atensyon na kanyang natatanggap.

Nagsimulang magsilapit ang mga ito ng kanilang makita na papalapit si Thor kasama ni Reece. Ngayon lamang nakakita si Thor ng ganitong kadaming mga tao na nakabihis ng ganito kagagara. Nakakita siya ng dose dosenang mga kababaihan na kasing edad niya na nakabihis ng mararangya, magkakahawak ang kamay at nagbubulungan habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maiwasan ang mahiya. Hindi niya masabi kung ang mga ito ba ay may gusto sa kanya o pinagtatawanan lamang siya. Hindi siya sanay na maging sentro ng atensyon at lalo ng kung galing sa mga tao mula sa kaharian.

"Bakit nila ako pinagtatawanan?" Bulong ni Thor kay Reece.

Tumingin si Reece at napatawa. "Hindi ka nila pinagtatawanan.",sabi niya. "Nagustuhan ka nila. Sikat ka na."

"Sikat?" Paguulit ni Thor. "Anong ibig mong sabihin? Kadarating ko lamang dito."

Muling napatawa si Reece at hinawakan si Thor sa balikat. Tuwang tuwa siya kay Thor.

"Madaling kumalat ang balita sa loob ng kaharian kaysa sa inaakala mo. At ang baguhang katulad mo, hindi ito madalas nangyayari dito."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Thor habang napapagtanto nito na mayroon silang pupuntahan

"Gusto ka makilala ng aking ama. " sagot nito habang pababa sa isang hagdanan.

"Iyong ama? Ang ibigs sabihin....ang hari?" Biglaan siyang kinabahan. "Bakit niya ako gustong makilala? Sigurado ka ba?"

Muling tumawa si Reece.

"Sigurado ako. Huwag kang masyadong kabahan. Si ama lamang iyon."

"Ang iyong ama lamang?" Tanong ni Thor na nanlalaki ang mata. "Siya ang hari."

"Hindi naman siya masama. Sa tingin ko wala kang dapat ipagalala. Tutal, Iniligtas mo ang buhay ni Erec."

Lumunok muli si Thor,namamawis ang kanyang mga palad, haabng isa nanamang malaking pintuan ang bumusak sa isang napakalaking silid. Namangha siya sa nagtataasang mga kisame na dineseyuhan ng mga ibat ibat mga linya at hugis. Ang mga pader na napapalibutan ng mga bintana na yari sa salamin at madaming tao ang nasa loob ng silid ngayon. Libo libong mga tao ang nagsama sama sa loob nito. Isang mahabang hapagkainan ang nakahilera dito at nakaupo ang mga tao, kumakain. Sa gitna nito ay matatagpuan ang daan patungo sa lugar na kinauupuan ng trono ng hari. Nahati ang mga tao habang padaan sina Reece at Thor papunta sa hari.

"At saan sa tingin mo siya dadalhin?" Ang tanong ng isang maliit na boses

"Tumingin si Thor at nakita ang isang lalaki sa kanilang harapan, mas maedad kay Thor na nakabihis ng isang eleganteng kasuotan. Isang prinsipe, at hinaharangan nito ang daanan nila Thor.

"Utos ito ni ama'" paliwanag ni Reece, "kaya mabuti pa ay tumabi ka na o kaya naman ay suwayin mo ang pinaguutos ng hari"

Hindi umalis ang prinsipe at dahan dahang pinagmasdan si Thor mula ulo hanggang paa. Hindi siya gusto ni Thor. Mayroong kakaiba sa taong ito na hindi niya mapagkakatiwalaan. Sa paraan ng kanyang pagtindig at sa pagtitig ng mga mata nito.

"Hindi ito lugar para sa mga ordinaryong tao." Tugon ng prinsipe. "Ibalik mo na ang taong iyan sa kanyang pinanggalingan."

Nanikip ang dibdib ni Thor. Malinaw na hindi siya gusto ng taong ito at hindi niya aa kung bakit.

"Sasabihin ko ba kay ama ang iyong suhestiyon?" Pagtatanggol ni Reece

Tumalikod ang prinsipe at lumakad papalayo na labag sa kanyang kalooban.

"Sino yun?" Tanong ni Thor habang pinagpatuloy nila ang paglalakad.

"Huwag mo na siyang alalahanin." Sagot ni Reece. "Siya ang nakatatanda kong kapatid o isa sa kanila, si Gareth. Ang pinakamatanda. Hindi pala pinakamatanda, siya lamang ang pinakamatanda sa mga lehitimong mga anak. Si Kendrick na iyong nakilala kanina, siya ang panganay."

"Bakit galit sa akin si Gareth? Hindi ko naman siya kilala."

"Huwag kang magalala dahil hindi lamang siya sayo nagagalit. Galit siya sa lahat. Galit siya sa kung sinong napapalapit sa pamilya. Huwag mo siyang isipin. Isa lamang siya sa nakararami."

Sa kanilang paglalakad ay nakaramdam ng pasasalamat si Thor para kay Reece na unti unti ay kanyang nagiging tunay na kaibigan.

"Bakit mo ako pinagtanggol?" Tanong ni Thor

"Ipinagbilin ng aking ama na dalhin kita dito. At ikaw din ang aking kapareha. At ito ang ang unang pagkakataon na may dumating na kasing edad ko na karapat dapat."

"Bakit ako karapat dapat?" Tanong ni Thor

"Dahil sa determinasyon mo bilang mandirgma. Hindi iyon kailanman mapepeke."

Habang papalapit sila sa hari, pakiramdam ni Thor ay matagal na niyang kakilala si Reece. At sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, ay nakikita niya ito bilang tunay na kapatid. Ngayon lamang siya nagkaroon ng kapatid, ng tunay na kapatid, at masarap ito sa pakiramdam.

"Ang iba ko pang mga kapatid ay hindi katulad niya kaya huwag kang magalala." Sabi ni Reece habang magsimulang magtinginan ang mga tao kay Thor. "Ang kapatid kong si Kendrick, siya ang pinakamabait sa lahat. Kapatid ko lamang siya sa ama ngunit itunuturing ko siya bilang isang tunay na kapatid kaysa kay Gareth. Para ko siyang pangalawang ama. At magiging ganoon din siya sayo, sigurado ako. Wala siyang hindi gagawin para sa akin o para kanino. Siya ang pinakaminamahal ng mga tao sa aming pamilya. Isang malaking kawalan na hindi siya maaring mapili bilang hari."

"May isa ka pang kapatid na lalaki?" Tanong ni Thor

Napahinga ng malalim si Reece.

"Oo, mayroon pang isa. Hindi kami malapit sa isat isa. Si Godfrey. Sa kasamaang palad, sinayang niya ang kanyang buhay sa paginom at pakikihalubilo sa mga masasamang mga kaibigan. Hindi siya mandirgma tulad namin. Hindi siya interesado dito o sa kahit anong bagay. Maliban sa alak at babae."

Bigla silang napahinto ng isang babae ang lumapit sa kanila. Nanatili lamang sa kanyang tindig si Thor. Marahil ay mas matanda ng ilang taon sa kanya. Tumingin ang babae gamit ang kulay asul na mga mata, perpektong kutis at mahabang buhok. Nakabihis siya ng puting bistida at nagniningning ang mga mata nito. Nagkatitigan ang dalawa at napukaw agad ang damdamin ni Thor. Hindi makakilos si Thor kahit gustuhin niya. Siya ang pinakamagandang babae na kanyang nakilala.

Ngumiti ito, lumabas ang kanyang mapuputing ngipin at mas lalong nabighani si Thor. Nabuhay ang puso ni Thor. Buhay na buhay si Thor.

Nakatayo lamang si Thor, hindi mkaapagsalita. Hindi makahinga. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito.

"Hindi mo ba ako ipakikilala?" Tanong ng babae kay Reece. Nabighani si Thor ng kanyang malamig na boses.

"Napahinga lamang si Reece.

"At ito ang aking kapatid na babae." Nakangiting sabi ni Reece. "Gwen, si Thor. Thor, siya naman si Gwen."

Iniabot ni Gwen ang kanyang kamay.

"Kamusta?" Tanong ni Gwen na may kasamang ngiti

Tumingin lamang si Thor, hindi makakilos. Napangiti naman si Gwen.

"Huwag kang masyadong madaldal ha?" Sabi niya habang tumatawa

Namula si Thor at naghandang magsalita.

"Pata…patawa.. Patawarin mo ako." Sabi niya. "Ako si Thor."

Muling napatawa si Gwen.

"Alam ko na iyon." Sabi niya. Tumingon ito sa kapatid at sinabing. "Reece, mahusay makipagusap ang kaibigan mo na ito."

"Gusto siyang makilala ni ama." Ang sabi ni Reece. "Mahuhuli na kami."

Gusto pang makausap ni Thor si Gwen at sabihin kung gaano ito kaganda, kung gaano siya kasaya na makilala si Gwen at kung gaano siya nagpapasalamat na huminto siya sa knaila. Ngunit nakabuhol ang kanyang dila. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. Kaya ito lamang ang lumabas sa kanyang dila:

Внимание! Это не конец книги.

Если начало книги вам понравилось, то полную версию можно приобрести у нашего партнёра - распространителя легального контента. Поддержите автора!

Страницы книги >> Предыдущая | 1 2 3 4 5 6
  • 0 Оценок: 0

Правообладателям!

Данное произведение размещено по согласованию с ООО "ЛитРес" (20% исходного текста). Если размещение книги нарушает чьи-либо права, то сообщите об этом.

Читателям!

Оплатили, но не знаете что делать дальше?


Популярные книги за неделю


Рекомендации