Электронная библиотека » Морган Райс » » онлайн чтение - страница 4

Текст книги "Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani "


  • Текст добавлен: 9 сентября 2019, 11:42


Автор книги: Морган Райс


Жанр: Зарубежное фэнтези, Зарубежная литература


Возрастные ограничения: +16

сообщить о неприемлемом содержимом

Текущая страница: 4 (всего у книги 17 страниц) [доступный отрывок для чтения: 6 страниц]

Шрифт:
- 100% +

"Hindi..ninyo..naiintindihan" hingal na sabi ni Thor. "Kailangan kong makapasok sa loob. Mahuhuli na ako."

"Mahuhuli saan?"

"Sa pagpili."

Ang kawal, maliit ngunit malaki ang katawan, ay napatingin sa iba pang mga kawal. Tinitigan nito si Thor na parang hindi makapaniwala.

"Kanina pa dumating ang mga pagpipilian sakay ng mga karwahe ng kaharian. Kung hindi naimbitahan, hindi ka maaring pumasok"

"Hindi ninyo naiintindihan. Kailangan ko…"

Lumapit ang kawal at hinawakan sa kamiseta si Thor.

"Ikaw ang hindi nakakaintindi bata! Anong karapatan mo para ipagpilitan na makapasok. Umalis ka na bago pa kita saktan."

Itinulak nito si Thor na bumagsak sa lupa.

Nakaramdam ng sakit sa dibdib si Thor dahil sa pagkakatulak ng kawal ngunit mas masakit ito dahil sa pagkabigo. Desidido si Thor. Hindi siya naglakbay ng ganito kalayo upang ipagtabuyan lamang ng hindi pa nila nakikita ang kanyang kakayahan. Kailangan niyang makapasok.

Umalis ang mga kawal. Naglakat nmaan paikot ng koluseyo si Thor. May plano siya. Lumakad siya palayo hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga kawal. Sinuri niya ang mga pader ng gusali. Sinigurado nito na walang makakakita sa kanya. Nang makarating siya sa kabilang bahagi ng koluseyo, nakita niya ang pangalawang pasukan nito. Hinaharangan ito ng mga nakahilerang mga bakal. Napansin niya na may nawawalang mga bakal. Nakarinig siya muli ng mga sigawan mula sa loob kaya sinilip niya ito.

Bumilis muli ang kanyang paghinga. Nakahilera sa gitna ng koluseyo ang lahat ng mga naimbitahan kasama ang kanyang mga kapatid. Nakaharap sila grupo ng mga Silver na isa isa silang sinusuri. Isang grupo din ng mga kalalakihan ang nasa isang sulok at isa isang pinatitira gamit ang pana habang sinusuri rin ng mga Silver. Isa sa mga ito ang hindi nakatama.

Mas lalong naginit ang dugo ni Thor. Magiging madali para sa kanya ang gumamit ng pana. Maliit siya at mas bata ngunit hindi ito nangangahulugan na mas mahina siya. At hindi ito patas para sa kanya.

Ng ano ano'y may biglaang humawak sa balikat ni Thor. Hinila siya at itinapon sa lupa.

Paglingon ni Thor ay nakita niya ang kawal na bantay sa unang pasukan.

"Anong sinabi ko sa iyo bata?"

Bago pa man makasagot si Thor ay bigla siyang sinipa sa dibdib ng kawal. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang mga buto hanggang sa sinipa siyang muli nito

Bago pa ulit ito makasipa, hinawakan ni Thor ang paa ng kawal, inihagis niya ito hanggang sa mawalan ng balanse ang kawal. Bumagsak ito.

Agad tumayo si Thor kasabay ng kawal. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nagawa. Tinitigan ng masama ng kawal si Thor.

"Hindi lamang kita sasaktan,' sagot ng kawal,"magbabayad ka. Walang dapat kumalaban sa isang kawal ng hari. Kalimutan mo na ang pagsali sa Legion-mabubulok ka sa kulungan. Maswerte ka pa mung masikatan ka pa ng araw."

Kinuha ng kawal ang kanyang kadena. Unti unti itong lumapit kay Thor, handang handa para maghiganti.

Kailangang magisip ng mabilis ni Thor. Hindi niya maaring hayaan na masaktan at makulong, ngunit hindi rin niya maaaring saktan ang isang kawal ng kaharian. Kailangan niyang magisip ng paraan, agad agad.

Naalala niya bigla ang kanyang tirador. Agad niya itong kinuha, kasama ang bato at itinira.

Lumipad ang bato at tinamaan ang kamay ng kawal. Nabitawan nito ang hawak na kadena. Napaluhod ang kawal sa naramdamang sakit mula sa tama ng tirador sa kanyang kamay.

Ng walang ano ano'y, hinugot ng kawal ang kanyang espada. Tinitigan ng masama si Thor.

"Iyon an ang huling pagkakamali na gagawin mo," banta ng kawal. Dumilim ang awra nito.

Wala ng ibang paraan si Thor. Hindi na siya lulubayan ng kawal na ito. Tinira niya ulit ito ng tirador. Hindi niya intensyon na patayin ang kawal kundi ang pigilan lamang ito. Kaya sa halip na patamaan niya ito sa puso o sa ulo, itinapat niya ito kung saan hindi niya mapapatay ang kawal.

Sa pagitan ng mga hita nito.

Hindi niya ito tinira gamit ang kanyang buong lakas. Tama lamang para magpabagsak ng tao.

Perpekto ang kanyang naging tira.

Napaluhod ang kawal. Bumagsak ang kanyang espada at namaluktot sa sobrang sakit.

"Mamamatay ka dahil dito!" Sambit ng kawal sa kabila ng nararamdamang sakit. "Mga Kawal!!"

Lumingon si Thor at kanyang nakita ang mga ibang kawal na tumatakbo palapit sa kanila.

Wala na siyang ibang maaring gawin.

Agad siyang tumalon sa butas kung saan nagkulang ang mga bakal na nakaharang sa pangalawang lagusan. Pumasok siya sa loob ng arena upang ipakilala ang kanyang sarili. Lalabanan niya ang kung sinong magtangkang pigilan siya.

IKALIMANG KABANATA

Si MacGil ay nakaupo sa mataas na bahagi ng kanyang kastilyo, ang silid na pinagdadausan ng kanyang mga personal na mga bagay. Siya ay nakaupo sa kanyang trono, upuan na yari sa kahoy, habang tinitingnan niya ang kanyang apat na anak sa kanyang harapan. Nandoon ang kanyang panganay na anak na si Kendrick. Dalawamput limang taong gulang pa lamang ngunit isa ng mahusay na mandirigma at isang magalang na ginoo. Siya ang pinakahawig sa kanyang ama kahit na siya ay isang anak sa labas lamang. Anak sa isang babae na matagal ng kinalimutan. Pinalaki ni MacGil si Kendrick kasama nalg kanyang mga tunay na anak na unang tinutulan ng kaniyang reyna. Pumayag lamang ito sa isang kundisyon, na hindi siya maaring pumalit sa trono bilang hari. Mahirap ito para kay MacGil ,dahil si Kendrick ang pinakamagiting na lalaking kanyang nakilala, ang anak na kanyang pinagmamalaki. Wala ng ibang mas karapatdapat pang pumalit sa kanya kundi si Kendrick.Sa tabi ni Kendrick, ay ang pangalawang anak ng hari ngunit unang lehitimong anak niya sa reyna na si Gareth. Dalawamput tatlong taong gulang, payat at may palubog na pisngi. Mahilig siya sa pagkaskas. Ang kanyang karakter ay kabaligtaran ng sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung si Kendrick ay kayang ipaglaban ang kanyang paniniwala, si Gareth naman ay itinatago ang kanyang tunay na nararamdaman. Kung si Kendrick ay matapang at mapagkakatiwalaan, si Gareth naman ay mapanlinlang. Masakit para kay MacGil ang kamuhian ang sariling anak. Ilang beses na niyang sinubukan na baguhin ito ngunit sa paglaki nito,mas lumabas ang tunay na pagkatao nito: uhaw sa kapangyarihan at maambisyon. Alam din ni MacGil na walang interes si Gareth sa mga kababaihan at madami itong karelasyon na kapwa lalaki. Kung sa ibang hari, marahil ay itinakwil na nila ang ganoong klase ng anak, ngunit mas bukas ang kaisipan ni MacGil. Hindi iyon sapat na dahilan upang hindi niya mahalin ang sariling anak. Hindi niya kailanman ito hinusgahan ukol sa kanyang kasarian. Ngunit hindi niya maaring palampasin ang kasamaan sa pagkatao nito.Nandoon din katabi ng kanyang mga kapatid ang ikalawang anak na babae ni MacGil, si Gwendolyn. Kakatungtong pa lamang nito sa kanyang ika-labing anim na taong kaarawan. Maganda hindi lamang sa panlabas kundi pati ang kanyang kalooban. Siya ay mabait, mapagbigay, matapat– ang pinakamabuting babae na nakilala ng hari. Mahahalintulad niya nag anak na babae kay Kendrick. Kapag tumitingin ito sa kanya, nararamdaman niyaang pagmamahal ng isang anak at ang katapatan nito sa kanya. Mas ipinagmamalaki niya si Gwendolyn kaysa sa mga anak niya lalaki.Katabi ni Gwendolyn ang pinakabata sa mga magkakapatid na si Reece. Matapang at malaya kung magisip. Labing apat na taong gulang at unti unting nagiging isang tunay na lalaki. Pinagmasdan ni MacGil ang pagkukusa nito na sumali sa Legion at nakikita na niya kung paano siya magiging isang mandirigma. Balang araw,nakikita ni MacGil ang bunsong anak bilang isang magaling na hari at pinuno ng kaharian. Ngunit hindi pa sa ngayon. Masyado pa itong bata.Halo halo ang narramdaman ni MacGil habang tinitingnan ang kanyang apat anak sa kanyang harapan. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki ngunit may kasamang panghihinayang. Nakakaramdam din siya ng galit at inis dahil dalawa sa kanyang anak ay nawawala. Ang kanyang panganay na babae na si Luanda na naghahanda sa nalalapit nitong kasal at dahil siya ay ikakasal sa lalaki na nagmula sa ibang kaharian, hindi siya kasali sa usapan ng tagapagman ng trono. Ngunit ang kanyang isa pang anak na lalaki, si Godfrey na labing walong taong gulang ay hindi nagpakita. Namumula si MacGil sa galit.Simula pa noong bata pa si Godfrey, madalas na itong magpakita ng kabastusan sa trono; malinaw na kailanman ay wala siyang balak o interes upang umupo sa trono. At ang mas nakakapanghinayang para kay MacGil ay ang makita niya kung paano sayangin ng anak ang kanyang oras sa pagiinom kasama ng mga maling kaibigan na naghatid ng madaming kahihiyan sa kanilang pamilya. Siya ay tamad at batugan. Wala siyang ginawa kundi ang matulog at uminom ng alak. Napanatag si MacGil na hindi dumating ang anak ngunit sa kabilang banda, naiinsulto din siya sa hindi pagdating nito. Inasahan na ito ng hari kaya naman inutusan niya ang kanyang mga kawal upang hanapin si Godfrey. Hinintay niya nag pagdating ng mga ito.

Biglaang bumukas ang naglalakihang pintuan ng silid. Agad pumasok ang mga kawal, bitbit sa kamay anak na si Godfrey. Itinulak nila ito papasok ng silid saka isinara ang pinto.

Lumingon ang mga magkakapatid kay Godfrey na lasing, hindi pa nagaahit at hindi nakabihis ng ayos. Ngumiti lamang ito. Walang galang. Tulad ng dati.

"Kamusta ama," sabi ni Godfrey, "nahuli na ba ako sa kasiyahan?"

"Tumayo ka sa tabi ng iyong mga kapatid at hintayin nag aking pagsasalita. Kung hindi, patawarin ako ng panginoon, ngunit ikukulong kita kasama ng ma ordinaryong preso. Hindi ka makakakain o makakainom ng alak sa loob ng tatlong araw."

Tinitigan lamang ni Godfrey ang ama. Sa mga titig na iyon,nakaramdam ng kakaibang pwersa si MacGil. Isang pwersa na maaring magpahamak sa anak balang araw.

Kahit napipilitan, sumunod si Godfrey sa pinaguutos ng ama matapos ang sampung segundo.

Pinagmasdan ni MacGil ang kanyang mga anak sa harapan: ang anak sa labas, ang suwail, ang lasinggero, ang anak na babae at ang bunsong anak. Iba iba ang ma personalidad at hindi siya makapaniwala na sa kanya lahat ito nagmula. At ngayon, sa araw ng kasal ng kanyang anak, ay naatasan siya upang pumili ng papalit sa kanya bilang hari. Paano iyon magiging posible?

Isa lamang iyong tradisyon na nakasanayan na at siya pa rin ang magiging hari sa mga susunod pang mga taon. Kung sino man ang kanyang mapipili ngayon ay marahil hindi naman tatanggapin ang trono pagdating ng araw. Mahalaga ito noong panahon ng kanyang ama ngunit hindi para sa kanya.

"Pinatawag ko kayo dahil sa isang tradisyon. Alam ninyong lahat na sa araw ng kasal ng pinakamatandang anak ng hari at kinakailangang pangalanan ang susunod sa aking trono. Ang tagapagmana ng kaharian. Kung ako man ay mamatay, wala ng ibang maaaring mamuno kundi ang inyong ina. Ngunit nasasaad sa batas na tanging sa mga anak lamang manggagaling ang susunod na tagapagmana ng trono. Kaya kailangan kong pumili."

Huminga ng malalim si MacGil habang nagiisip. Katahimikan ang bumalot sa silid at ramdam niya ang paghihintay ng mga anak. Tumingin siya sa bawat mga mata nito at nakakia ng ibat ibang ekspresyon. Kalmado lamang ang anak sa labas dahil alma niyang hindi siya maaring mapili. Nagniningning naman ang mata ng suwail. Punong puno ng pagasa. Umaasa na kanya na mapupunta ang trono. Nakatingin lamang sa labas ang lasing na anak. Walang pakialam. Ang anak na babae naman ay punong puno ng pagmamahal ang mga tingin sa ama kahit na alam niyang hindi sa kanya mapupunta ang trono. Pati ang anak na bunso.

"Kendrick, isa kitang tunay na anak. Ngunit naaayon sa batas na maari lamang ipasa ang trono mula sa mga lehitimong anak ng hari."

Tumungo si Kendrick, "Ama, hindi po akong umaaasa sa inyong trono. Kuntento na po ako sa buhay na inyong ibinigay. Huwag po kayong magalala sa akin."

Masakit para kay MacGil ang mga nasambit ng anak. Totoo ito at mas lalo niyang ninais na ibigay na lamang ang trono dito.

"Apat na lamang layong natira. Reece, isa kang mabuting tao, isa sa mga pinakamahusay na nakilala ko. Ngunit masyado ka pang bata para dito"

"Inasahan ko na po ito ama." Sagot ni Reece sabay tungo.

"Godfrey, isa ka sa tatlo kong lehitimong anak. Ngunit mas pinili mong sayangin ang buhay mo at itapon sa pagiinom. Ibinigay sayo ang lahat ng pribilehiyo sa buhay ngunit sinayang mo lamang lahat ito. Kung mayroon man akong pinanghihinayangan sa buhay, ikaw yun."

Sumimangot lamang si Godfrey at umiwas ng tingin sa ama.

"Kung gayon, marahil ay maari na akong umalis at bumalik sa aking pagiinom. Tama ba ama?"

Tumayo ito at naglakas palapit sa pintuan ng silid.

"Bumalik ka dito!" Galit na sigaw ng hari.

Ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi pinakinggan ang ama. Pagbukas niya ng pintuan, dalawang kawal ang nakatayo sa labas nito.

Galit na galit na tumingin si MacGil sa mga kawal na hindi sigurado sa dapat gawin.

Ngunit hindi na nagpaligoy ligoy pa si Godfrey. Agad nitong nilampasan ang dalawang kawal.

"Ikulong niyo siya!" Sigaw ni MacGil. "At huwag ninyo itong hahayaang makita ng reyna sa araw ng kasal ng kanyang anak."

"Masusunod mahal na hari", at agad nilang isinirado ang pintuan at sinundan si Godfrey.

Naupo lamang si MacGil, huminga ng malalim upang kumalma. Ilang beses na niyang inisip kung bakit ganoon ang kinahinatnan ng kanyang anak.

"Dalawa na lamang kayo," pagpapatuloy niya, "at mula sa inyo, nakapili na ako ng aking tagapagmana."

Tumingin si MacGil sa anak na babae.

"Ikaw iyon Gwendolyn."

Nagulat ang lahat ng nasa silid. Lalo na si Gwendolyn.

"Tama ba ang sinabi ninyo ama?" Tanong ni Gareth. "Si Gwendolyn?"

"Salamat ama," sabi ni Gwendolyn, "ngunit hindi mo po ito matatanggap. Isa po akong babae."

"Tama. Kailanman ay wala pang babae na umupo sa trono ng mga MacGils. Ngunit napagisipan ko na marahil ay tama lamang na baguhin ang tradisyon. Gwendolyn, isa kang mabuti at mapagmahal na babae. Bata ka pa ngunit tanggapin mo ito. Hindi pa ako mamamatay ngunit sa pagdating ng araw na iyon, alam mo na ang dapat gawin. Sa iyo na ang kaharian."

"Ngunit ama!" Sigaw ni Gareth. "Ako ang panganay sa mga lehitimo mong mga anak. Sa kasaysayan ng mga MacGil, palaging ang lehitimong panganay ang nagmamana ng trono."

"Ako ang hari." Tugon ni MacGil. "Ako ang gumagawa ng tradisyon."

"Ngunit hindi ito patas!" Sigaw ni Gareth na nanginging sa galit. "Ako dapat ang maging hari. Hindi ang aking kapatid na isang babae."

"Tahimik!" Sigaw ni MacGil, "anong karapatan mong pagdudahan ang aking desisyon?"

"Sa tingin niyo ba ay mas magaling sa akin ang isang babae? Iyon ba ang naiisip ninyo?"

"Buo na ang desisyon ko." Ang sabi ni MacGil. "Irerespeto mo ang aking desisyon kagaya ng lahat ng aking mga kinasasakupan. Maarin na kayong umalis."

Nagbigay galang ang mga anak, tumungo at sabay sabay na lumabas ng silid.

Ngunit huminto si Gareth sa may pintuan, hindi niya magawang umalis.

Bumalik ito at nilapitan ang ama.

Nakikita ni MacGil ang panghihinayang sa mukha ni Gareth. Malinaw na inasahan nitong siya ang papangalanang maging tagapagmana sa trono. Pinangarap niya ito. Desperado ito na makuha ang trono at hindi na ito ikinagulat ni MacGil. Ito din ang dahilan kung bakit hindi niya ito pinili.

"Bakit mo ako kinamumuhian ama?" Tanong ni Gareth

"Hindi kita kinamumuhian anak. Hindi lamang kita nakikita na karapatdapat para pamunuan ang kaharian."

"At bakit?" Giit ni Gareth

"Dahil desperado ka sa kapangyarihan."

Nagdilim ang mukha ni Gareth. Nakita ni MacGil ang galit para sa kanya sa mga mata ng kanyang anak.

Ng walang kahit anong salita, nagmadaling umalis si Gareth palabas ng silid.

Biglaang nanghina si MacGil. Hindi niya makalimutan ang titig ng kanyang anak na puno ng galit at pagkamuhi na mas matindi pa kaysa sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, ay naalala niya ang sinabing babala ni Argon.

Ito na ba ang sinasabing panganib sa buhay niya?

IKAANIM NA KABANATA

Nagtatakbo papasok ng malawak na arena si Thor sa abot ng kanyang makakaya. Sa kanyang likod ay naririnig niya ang mga kawal na humahabol sa kanya. Hinabol nila si Thor sa gitna ng mainit at maalikabok na arena habang nagsisigaw. Papalapit na siya sa kinaroroonan ng mga miyembro ng Legion, ang mga nakahilera na mga nagboluntaryo-dose dosenang mga kalalakihan tulad niya, ngunit mas matanda at mas malalakas. Sila ay sinasanay at hinuhusgahan sa paggamit ng ibat ibang sandata tulad ng pana at sibat. May mga nakahilera na mga patamaan na kailangan nilang tamaan. Ito ang kompetisyon para kay Thor.Nabibilang sa mga ito ang dose dosenang mga mandirigma, miyembro ng Silver, nakatayo at pinagmamasdan ang mga nagaganap na paligsahan. Unti unti na silang pumipili kung sino ang karapat dapat ng umuwi at kung sino ang magpapatuloy.Alam ni Thor na kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili sa harap ng mga ito at pabilibin ang lahat. Maya maya lamang ay maabutan na siya ng mga humahabol sa kanya. Kung may pagkakataon upang ipakita ang kanyang kakayahan, ngayon na ito. Ngunit paano? Kailangan niyang magisip ng mabilis ng paraan.Habang tumatakbo si Thor at nagiisip ng susunod niyang plano, Ilan sa mga kalahok ay napatigil upang saksihan ang nangyayaring kaguluhan, maging ang mga kawal. Makalipas ng ilang segundo, lahat ng atensyon ay nakatuon na kay Thor. Lahat sila ay mukhang nagtataka at nagtatanong kung sino ba siya, na tumatakbo sa gitna ng paligsahan, at hinahabol ng tatlong kawal. Hindi ito ang paraan na ginusto niya upang mapansin ng mga tao. Buong buhay niya, simula ng hangarin niyang mapasali sa Legion, hindi kailanman pumasok sa isip niya ang pangyayaring ito.Habang tumatakbo so Thor at nagiisip ng maari niyang gawin, isa sa mga kalahok ang sinubukang magpakitang gilas sa pamamagitang ng pagpigil kay Thor. Isang malaking lalaki. Matangkad at halos doble sa laki ni Thor. Itinaas nito ang kanyang espada na yari sa kahoy upang harangan si Thor. Nakita ni Thor kung gaano kapursigido ang lalaki na kalabanin siya, at ipahiya siya sa harap ng madaming tao at ang makaangat sa ibang mga kalahok.Walang dahilan si Thor upang kalabanin ang lalaki, hindi niya ito laban. Ngunit pinipilit nitong angkinin ang laban upang makaangat.Habang papalapit ang lalaki, hindi makapaniwala si Thor sa laki nito. Ito na ata ang pinakamalaking katawan na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi alam ni Thor kung paano niya kakalabanin ito.Ipinuwesto ng lalaki ang kanyang espada na yari sa kahoy at alam ni Thor na kung hindi siya agad kikilos, mapapabagsak siya nito.Parang kusang kumilos ang katawan ni Thor. Agad niyang kinuha ang tirador at agad pinatamaan ang kamay ng lalaki. Sumakto ang bato sa kanyang kalaban at agad nitong nabitawan ang kanyang espada. Tumalsik ang espada at napaluhod ang lalaki sa sobrang sakit.Wala ng sinayang na oras si Thor. Ginamit niya ang pagkakataon habang bagsak ang lalaki. Tumalon si Thor at bumagsak ang paa nito sa dibdib ng lalaki. Ngunit masyadong matigas ang lalaki at pakiramdma ni Thor ay sumisipa siya sa isang matigas na punong kahoy. Bahagya lamang na nasaktang ang lalaki, bigya itong tumayo. Natapilok naman si Thor.Hindi ito ang dapat mangyari, isip ni Thor habang bumagsak siya sa lupa.Sinubukan ni Thor ang makatayo ngunit umatake agad ang lalaki. Binuhat niya si Thor at inihagis muli hanggang sa bumagsak si Thor sa lupa.Ilang grupo ng mga lalaki ang pumalibot sa kanila at nagpapalakpakan. Namula si Thor sa sobrang kahihiyan.Sinubukan muling bumangon ni Thor ngunit masyadong mabilis ang lalaki. Nasa ibabaw niya agad ito hanggang sa maging labanan na ito ng pabigatan ng katawan.Naririnig ni Thor ang lumalakas na mga sigawan ng mga ibang kalahok na pumalibot sa kanila. Itinaas ng lalaki ang hinlalaki nito at itinuon sa mata ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor, nais talaga ng lalaki na pahirapan at saktan siya. Ganoon ba niya talaga kagusto na mas makaangat?Sa huling segundo, inuntog ni Thor ang lalaki na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para makawala sa lalaki.Nakatayong muli si Thor at hinarap ang lalaki na agad ring nakatayo. Ibinuhos ng lalaki ang kanynag buong lakas upang suntukin si Thor sa mukha ngunit nakaiwas ito;naramdaman ni Thor ang lakas ng kamao ng lalaki na muntikan ng tumama sa kanya. Kung hindi niya ito naiwasan, marahil ay basag na ngayon ang kanyang panga. Agad sinuntok ni Thor sa sikmura ang lalaki ngunit wala itong naging epekto;para itong isang puno.Bago pa man makakilos muli si Thor ay siniko na siya nito sa mukha.Napagtaob si Thor. Para siyang pinukpok ng martilyo sa sobrang lakas.Habang sinusubukan ni Thor na bumalik ang kanyang lakas, sinipa siya ng malakas sa dibdib ng malaki. Muling tumilapon si Thor at bumagsak sa lupa. Nagpalakpakan at nagsigawan muli ang mga manunuod.Si Thor, na hilong hilo, ay sinubukan na makaupo ngunit sinuntok siyang muli ng lalaki na nagpabagsak muli sa kanya at sa pagkakataon na ito, hindi sigurado ni Thor kung kakayanin pa niyang makabangon.Nakahiga lamang doon si Thor sa lupa habang pinapakinggan ang mga hiyawan ng mga manunuod at nalalasahan ang dugo na galing sa kanyang ilong. Namaluktot siya sa sobrang sakit. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita niyang pabalik na ang lalaki sa kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyang pagkapanalo.Gusto nang sumuko ni Thor. Masyadong malakas ang lalaking ito. Isang kahibangan ang pagsubok niya na kalabanin ito. Hindi na niya kakayanin. Ngunit may bahagi niya ang tumutulak sa kanya na lumaban. Hindi siya maaring matalo. Hindi maari lalo na sa harap ng mga taong ito.Huwag kang sumuko. Tumayo ka. Tayo!Bahagyang nanumbalik ang lakas ni Thor. Dahan dahan niya itinuon ang mga kamay hanggang sa makatayo na ito. Hinarap niya ulit ang lalaki. Puno ng dugo ang kanyang mukha, namamagang mga mata at mahirap na paghinga. Ngunit itinaas muli ni Thor ang kanyang kamao.Lumingon ang lalaki at tinitigan si Thor. Hindi ito makapaniwala sa nakikita."Nanatili ka na lang sanang nakahiga bata," banta ng lalaki habang papalapit kay Thor."TAMA NA!" Isanng boses ang sumigaw. "Elden, awat na!"Isang kawal ang dumatin at pumagitna sa dalawa. Tumahimik ang mga manunuod. Isa itong kawal na nirerespeto ng lahat.Tumingin si Thor sa prisensya ng isang mandirigma. Nasa ikadalawamput taong gulang na ito, matangkad, malapad na mga balikat, pakwadradong mga panga at buhok na kulay lupa. Nagustuhan agad siya ni Thor. Nakamamangha ang kasuotan nito na yari sa metal, na may mga simbolo ng hari; ang symbolo na agila ng mga MacGil. Natuyo ang lalamunan ni Thor: nakatindig sa kanyang harapan ang isang miyembro ng pamilya ng mga MacGil. Hindi siya makapaniwala""Ipaliwanag mo ang iyong sarili bata," sabi ni Thor, "bakit ka pumasok ng hindi naiimbitahan?"Bago pa man makasagot si Thor, biglaang dumating ang tatlong kawal na humahabol kay Thor. Huminto ang pinunong tagabantay, hinahabol ang kanyang paghinga habang nakaturk kay Thor."Sumuway po siya sa aming utos!" Sigaw ng tagabantay. "Ikakadena ko po siya at ikukulong sa bartolina.""Wala akong ginawang masama" palaban na sagot ni Thor"Wala?" Tanong ng tagabantay. "Nagpumilit kang pumasok sa pagaari ng hari ng walang pahintulot o imbitasyon.""Gusto ko lamang ng pagkakataon.!" Sigaw ni Thor habang nakatingin sa kawal na miyembro ng pamilya ng hari. "Gusto ko lamang mabigyan ng pagkakataon na makasali sa Legion.""Ang lugar na ito ay para lamang sa mga napili at naimbitahan." Isang boses ang biglang nagsalitaIsang mandirigma ang dumating, nasa ikalimampung taong gulang, makisig, nakakalbong buhok, maikling bigote at marka ng sugat sa kanyang mukha sa bandang ilong. Sa kanyang tindig, makikita na siya ay naging isang mahusay na mandirigma buong buhay niya. At base sa mga simbolo na nakaukit sa kanyang kasuotan, malalaman na siya ang pinuno ng lahat ng mga kawal at mandirigma. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor pagkakita dito:isang heneral."Hindi ako inimbitahan ginoo,"paliwanag ni Thor. "Iyon ang katotohanan. Ngunit buong buhay ay pinangarap ko na makarating dito. Nais ko lamang mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kaya kong gawin. Na kasing galing ako ng mga naririto. Bigyan niyo lamang ako ng isang pagkakataon. Pakiusap. Ang pagsali sa Legion ang tangi kong pangarap.""Ang lugar na ito ay para sa pakikipaglaban bata. Hindi para sa mga nangangarap." Sagot ng heneral. "Para ito sa mga mandirigma. Walang maaring magbago sa aming patakaran:napili na ang mga kalahok"Lumingon ang heneral sa mga kawal at agad lumapit ang mga ito upang ikadena si Thor.Ngunit bigla silang hinarang ng mandirigma na miyembro ng pamilya ng hari."Marahil sa araw na ito ng pagdiriwang, maaring nating suwayin ang patakaran" aniya.Tumingin lamang ang heneral sa nasabing ginoo. Nais nitong sumaliwat ngunit hindi niya ito maaring gawin sa pamilya ng hari."Nakakahanga ang determinasyon mo bata" pagpapatuloy ng mandirigma. "Bago ka namin paalisin, nais kong makita ang kaya mong gawin.""Ngunit Kendrick, may mga sinusunod tayong patakaran, " ang sigaw ng heneral"Ang pamilya ng hari ang gumagawa ng mga patakaran" ang sambit ni Kendrick, "at ang Legion ay tagasunod lamang sa mga ito.""Sumusunod kami sa hari, hindi sa iyo." Sagot ng heneralNagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nasasaksihan."Kilala ko ang aking ama at kung ano ang kanyang gugustuhing gawin. Nanaisin rin niya na bigyan ng pagkakataon ang batang ito. At iyon ang ating gagawin."

Hindi na nakasagot ang heneral at sumuko na laamng ito.Ibinaling ni Kendrick ang kanyang tingin kay Thor. Ang kanyang mata na kulay lupa sa mukha ng isang prinsipe at isang mandirigma.

"Bibigyan lamang kita ng isang pagkakataon." Paliwanag ni Kendrick. "Tingnan natin kung kaya mong tamaan ang markang nasa gitna"Itinuro nito ang isang tumpok ng damo na may pulang marka sa gitna. Ilang sibat na ang nakatusok dito ngunit wala pa kahit isa ang nakatama sa pulang marka."Kung makakaya mong gawin ang hindi kaya ng karamihan sa mga naririto, kung kaya mong tamaan ang pulang marka, tatanggapin ka namin sa Legion."Umatras ang mandirgma at naramdaman ni Thor ang mga mata na nakatingin sa kanya.Nakita niya ang lalagyan na puno ng mga sibat at tiningnan niya ito ng mabuti. Ang mga ito ay yari sa pinakamatitibay na uri ng kahoy na binalutan ng balahibo. Bimils muli ang tibok ng kanyang puso habang pinupunasan niya ng kanyang kamay ang dugo mula sa kanyang ilong. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito. Binigyan siya ng halos imposibleng pagsusulit. Ngunit kailangan niya pa din itong subukan.Humakbang si Thor at kumuha ng sibat na hindi masyadong mahaba at hindi rin naman maikli. Tinimbang niya ito sa kanyang mga kamay, mabigat ito. Hindi tulad ng kanyang ginagamit na sibat sa kanilang nayon. Ngunit mahusay ang kanyang pakiramdam. Baka sakali na matamaan niya ang pulang marka. Sumakatuwid, ang paggamit ng sibat ang isa sa kanyang mga kakayahan bukod sa paggamit ng tirador. At marahil dahil sa kanyang paglilibot sa mga burol ay nakapagsanay na siya ng husay. Madalas niyang natitira ang mga marka na kahit ang kanyang mga kapatid ay hindi kayang tamaan.Ipinikit ni Thor ang mga mata at huminga ng malalim. Kung hindi siya magtagumpay, huhulihin siya ng mga kawal at ang pangarap niya na mapabilang sa Legion ay habangbuhay nang masisira. Nakasalalay ang lahat sa gagawin niyang ito.Nagdasal siya sa panginoon.Ng walang pagaalinlangan, humakbang ng dalawa si Thor at inihagis ang sibat.Tumigil ang kanyang paghinga habang pinagmamasdan ang sibat sa ere.Pakiusap panginoon.Ang sibat ang nagpatahimik sa buong paligid. Lahat ng mga mata ay nakatingin dito.At makalipas ang ilang segundo, isang tunog ang dumating, ang tunog ng sibat na tumusok sa umpok ng mga dayami. Hindi na kailangang tumingin ni Thor. Isa itong perpektong tama. Ito ang pakiramdam na nagpahiwatig sa kanya habang hawak niya ang sibat na kakayanin niya itong tamaan.Unti unti itong tiningnan ni Thor at tama nga siya. Tumama ang sibat sa pulang marka, ang unang sibat na nakatama rito. Nagawa niya ang hindi kayang gawin ng mga kalahok.Nagsimula ang mga bulong bulungan galing sa mga manunuod at ibang mga kalahok.Lumapit si Kendrick at tinapik si Thor sa balikat na may pagkamangha. Ngumiti ito."Tama ako," sabi ni Kendrick "Mananatili ka dito.""Ano?!" Ang sigaw ng mga kawal. "Ngunit hindi ito patas. Pumasok siya ng walang pahintulot."

"Tinamaan niya ang marka. Sapat na sa ang aking nakita"

"Masyado pa siyang bata at hamak na mas maliit kumpara sa iba. Wala tayong lugar para sa katulad niya" ang sambit ng heneral.

"Mas nanaisin ko pa ang isang bata at maliit na tulad niya na kayang tamaan ang marka kaysa isang malaking tao na hindi kaya" ang sagot ni Kendrick

"Sinuwerte lamang siya!" Sigaw ng lalaki na kinalaban ni Thor. "Kung susubukan pa namin, siguradong tatamaan din namin ang marka."

Lumingon si Kendrick at tinitigan ang lalaki.

"Kaya mo?" Tanong niya. "Maari ko bang makita ngayon? Maari ba nating itaya ang pananatili mo dito?"

Napayuko lamang ang lalaki. Malinaw na hindi nito kayang tanggapin ang hamon.

"Ngunit hindi natin kilala ang batang ito," paliwanag ng heneral. "Hindi natin alam kung saang lupalop siya nagmula."

"Nanggaling siya sa isang nayon sa ilalim ng mga burol.", isang boses ang noon ay nagsalita

Lumingon si Thor upang tingnan ang nagsalita ngunit kilala niya kung sino ito. Ito ang boses na kanyang kinamuhian buong buhay. Ang boses ng kanyang nkatatandang kapatid na si Drake.

Lumapi si Drake kasama pa ang kanyang dalawang kapatid habang nakatingin kay Thor na parang nanghuhusga.

"Ang pangalan niya ay Thorgrin, mula sa angkan ng mga McLeod sa timog probinsya sa silangan ng kaharian. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid. Magkakasama kami sa iisang bahay. Siya ang tagapagalaga ng mga tupa ng aming ama"

Sabay saby na nagtawanan ang mga kalahok at mga kawal sa kanilang nalaman.

Namula sa kahihiyan si Thor;gusto niyang mamatay sa oras na iyon. Ngayon lamang siya nahiya ng ganito. Ganoon palagi ang kanyang mga kapatid, na nais palaging agawin ang atensyon mula sa kaniya at gawin ang lahat upang pabagsakin siya.

"Nagaalaga ng tupa?" Ulit ng heneral

"Naku, kailangang magingat ang mga kalaban sa kanya!" Sigaw ng isang kalahok

Muling nagtawanan ang mga tao na mas lalong nagpahiya kay Thor.

"Tahimik!" Sigaw ni Kendrick

At agad tumahimik ang mga tao.

"Mas nanaisip ko pang tanggapin ang isang tagapagalaga ng tupa na kayang tamaan ang marka kaysa sa inyo na walang ibang kayang gawin kung hindi ang tumawa",dagdag ni Kendrick


Страницы книги >> Предыдущая | 1 2 3 4 5 6 | Следующая
  • 0 Оценок: 0

Правообладателям!

Данное произведение размещено по согласованию с ООО "ЛитРес" (20% исходного текста). Если размещение книги нарушает чьи-либо права, то сообщите об этом.

Читателям!

Оплатили, но не знаете что делать дальше?


Популярные книги за неделю


Рекомендации