Текст книги "Dakilang Asal"
Автор книги: Aurelio Tolentino
Жанр: Зарубежные стихи, Зарубежная литература
сообщить о неприемлемом содержимом
Текущая страница: 1 (всего у книги 1 страниц)
Aurelio Tolentino
Dakilang Asal
I
PAUNAWA
O kabinataang bagong sumisibol,
itong abang lagda sa iyo'y patunkol.
Pakatandaan mo itong m~ga hatol
na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong.
Ang pagpipitaga't pakikipagkapua
ay siyang sagisag n~g pagka-dakila;
kapág sa sinuman ito ay nawala,
iyan ay di dapat, humarap sa madla.
Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman,
di sukat ang dunong at lahat n~g inam;
kapag ang sagisag na aking tinuran
ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.
Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin,
ang pagka-matapat at anyong butihin
ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin,
ang iyong ugali upang magluningning.
Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit
may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit,
gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig
ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.
Ikaw ay lumaki at lumaki naman
ang iyong tungkuling akin n~g tinuran:
n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan
n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.
II
KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA
Pipintuhuin mo't panuyuang kusa
ang iyong magulang na mapag-aruga,
sila'y pan~galawa ni Poong Bathala
na dapat igalang sa balat, n~g lupa.
¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan?
Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang.
Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang,
puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.
Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing,
kapag nain~git ka sila'y gumigising;
kinandong-kandong ka at inaliw-aliw
at pinalayawan n~g saganang lambing.
Sa gayong kalaking utang na tinangap
mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad?
Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap,
kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat.
Salamat na lamang at di maninin~gil,
ang puhunan nila'y di ibig bawiin;
sakali ma't sila ay alalahanin
n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing.
Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan
ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay,
kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!"
sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!"
Kung matutulug na saka uulitin
ang halik at bating paalam n~g lambing;
n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin,
ang kailan~gan nila muna'y siyasatin.
Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan,
sa ano mang bagay kaya'y parusahan,
ay ipag-sayá mo't darating ang araw
na matutunayang iyo'y pagmamahal.
Ang m~ga inali, at ang mga mama,
at ang ina-ama,t ini-ina kaya,
at ang m~ga nuno, at ang matatanda
ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga.
At ang m~ga iyong lahat na kapatid
ay pakamahalin n~g boong pag-ibig;
sa m~ga alila ay huag magmasun~git
pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis.
Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan,
n~g upanding ikaw naman ay igalang;
sakaling sa iyo sino ma'y magkulang,
kahabagan siya't pagdaka'y talikdan.
Ang maestro'y siyang pan~galawang ama,
ang maestra nama'y pan~galawang ina,
kaya dapat n~ganing pintuhuin sila
at mahaling lubos n~g boong pagsinta.
Binalankas lamang, kung baga sa bahay,
ang iyong ugali n~g iyong magulang;
n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay
n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan.
Dahil sa kanila ay maihaharap
ang iyong ugali sa sino mang pantas,
sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat,
sa lusok na asal nama'y hindi hubad.
At katunkulan mong lubos na mahigpit
sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit;
ang lahat n~g turo nila'y isa-isip,
sa lahat n~g hatol nila ay manalig.
Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw
sa landas n~g iyong madilim na buhay;
tanang hakbang nila ay malapit sundan,
n~g upanding ikaw ay huag maligaw.
III
SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY
Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos,
magpunas n~g kamay at saka magmumog,
maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok,
damit na pangbahay pagdaka'y isuot.
Pagkatapos nito ay agad ganapin
ang datihang iyong katunkulang gawin,
at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin
at saka maligong magkubli sa tin~gin.
Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay,
linisin ang sahig sampong kasankapan;
sa kani-kaniyang dako ay ilagay
ang lalong maliit na ari-arian.
Bahay na maayos ay parang salamin
n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin;
bahay na magulo'y nagpasabing tambing
n~g ugaling salat sa turong magaling.
Kailan~gang harapi't siyasating lahat
ang sa pamamahay gawang nararapat,
at huag sayan~gin ang kabit nang oras,
magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas.
M~ga kasankapang iyong magagamit,
kung saan kinuha ay isawling saglit;
huag pabayaang masira't mawaglit,
pinuhunan dian ay maraming pawis.
Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan,
ang walis, pamunas, lamesa't upuan,
tanang kasankapang kaliit liitan
may kani-kaniyang dapat na kalagyan.
Makita mo'y kahit iisang karayom
na kakalat-kalat ó kaya natapon,
pulutin mo agad at ilagay doon
sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.
Karayum ay mura't walang kasaysayan,
n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan:
karayum na walá sa dapat kalagyan
ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.
IV
SA PAGBIBIHIS
Ang damit na iyong dapat na isuot
ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos
ang tipon n~g ganda't inam na tibubos
na sa katamtamang sa kulay ay ayos.
Kailan~gang sumunod sa ugaling moda,
n~guni't huag lumampas n~g di tawanan ka,
at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya:
ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga.
Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit.
n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit;
mainam ang luma, kung buo,t malinis,
kay sa bagong wasak ó may duming bahid.
Marikit ang murang hiyas kay sa mahal,
kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay;
ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal
kahit man binili, parang hiram lamang.
Kahit na sa bahay ay dapat magsuot
n~g damit na puting talagang pangloob,
at huag mong gayahan ang asal na buktot
sa gawing malinaw … ¡Hubu't hubad halos!
Limutin ang cotso, at magbotitos ka,
ang paa mo't binti upang huag makita:
babaying may puri di dapat magtinda
n~g dapat itago sa alin mang mata.
Botitos ay mura, bukod sa mainam,
at talagang dapat sa mahinhing asal;
cotso't sapatilya ay napakamahal,
sa may hiyang paa talagang di bagay.
Di mo masasabing mahal na tibubos,
sapagka,t matibay kung gawang tagalog:
ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod
bago makawasak n~g isang botitos.
At gayon din naman ang medias ay mura,
n~guni at mahal ma'y dapat bumili ka:
iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba,
n~g binting ma'y dan~gal at ma'y puring paa.
Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan
ay huag mong limutin ang panyong alampay:
alampay ay siyang tabing na tangulan
n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan.
Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod
ay dapat gamiting damit na pangloob,
ang puri mo'y upang di sumabog-sabog
sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.
Ang tapis ay huag mong limutin kailan man,
sa bihis tagalog sadyang kasangkapan:
ang baro at saya kahit mura lamang
ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam.
Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis
sa kakastilaang dito ay sumapit:
m~ga nuno natin n~g tapi'y gumamit,
tapis ay nangaling sa taping binangit.
Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis,
ang samâ at buti'y dian masisilip;
diyan nahahayag ang tinagong bait,
Правообладателям!
Это произведение, предположительно, находится в статусе 'public domain'. Если это не так и размещение материала нарушает чьи-либо права, то сообщите нам об этом.